Statement of His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle to the People of Marawi

Statement of His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle to the People of Marawi

Message to the People of Marawi

Mga kapatid at kapwa-Pilipino sa Marawi,

Nakikiisa kami sa inyo, kaming nasa Arkidiyosesis ng Manila. Hindi namin alam kung ano ang sasabihin sa inyo. Walang salita ang makapagpapaabot ng aming pagkabigla, pagkalito, at kalungkutan sa nangyari nitong nakaraang araw. Tinatanong namin, “Bakit nagagawang saktan ng tao ang kanyang kapwa?” Tumatangis kami para sa inyo, para sa lahat ng Pilipino, at lahat ng tao sa mundo na nasisira ang buhay dahil sa karahasan. Kasama ninyo nanalangin kami, “O Dios, patawarin mo po ang aming paglapastangan sa buhay at dangal ng tao. Turuan mo po kaming magpakatao at makipag-kapwa-tao. Palakasin mo po ang hangaring tahakin ang kapayapaan. Hilumin mo po ang sugat ng mga kapatid namin sa Marawi at ng mga pamilya ng naging biktima ng karahasan. O Dios ng kapayapaan at pag-ibig, liwanagan at subaybayan mo kami.”

 

Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Arsobispo ng Maynila

24 May 2017

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Join the mailing list to receive the latest news and updates from CBCPNews

Thank you! You have successfully subscribed!