Oratio Imperata for Peace

Oratio Imperata for Peace

July 22, 2024

Manila, Philippines

MANILA— Here is the full text of the ‘Oratio Imperata for Peace,’ approved during the 128th CBCP Plenary Assembly, to be prayed from July 25, 2024, to January 1, 2025:

God our Heavenly Father, Lord of peace and justice, we humbly come before you during this time of escalating geopolitical tensions in our part of the world.

Through the years you have sustained our faith in you as a nation. It is our faith in Your Divine providence that has made us survive the countless natural and human-caused calamities that have come our way in our history as a people. Spare us, Lord, from the horrors of war. Hear our pleas as we cry out to You. Have mercy on us, Lord; rescue us from the malevolent forces that influence world leaders. For we believe, that “…our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms” (Eph 6:12).

We pray for our leaders entrusted with making crucial decisions for our nation. We place all our hopes in You, seeking Your forgiveness and mercy for the times when our fears and suspicions have tainted our perceptions with ethnic biases and prejudices verging on racism.

We earnestly pray Lord, that you “make us instruments of your peace. Where there is hatred let us bring love. Where there is injury, pardon. Where there is doubt, faith. Where there’s despair, hope. Where there is darkness, light. Where there is sadness, joy.”

Through our Lord Jesus Christ your Son, who lives and reigns with you, in the unity of the Holy Spirit, God forever and ever. AMEN.

Our Lady, Queen of Peace, pray for us.
St Michael the Archangel, pray for us.
St. Joseph, pray for us.
St. Francis of Assisi, pray for us
St. Lorenzo Ruiz, pray for us.
St. Pedro Calungsod, pray for us.
(Diocesan patron)…, pray for us

***

ORATIO IMPERATA PARA SA KAPAYAPAAN

Diyos na aming Ama sa Langit, Panginoon ng kapayapaan at katarungan, mapagpakumbabang lumalapit kami sa Iyo sa panahong ito ng tumitinding tensyon sa pulitika sa aming bahagi ng mundo.

Sa nakalipas na mga taon, pinanatili Mo ang aming pananampalataya sa Iyo bilang isang bayan. Ang pananalig namin sa Iyong Kagandahang-loob ang siyang nagligtas sa amin sa napakaraming kalamidad na dulot ng kalikasangayundin ng mga dahil sa kagagawan ng tao na dumagok sa aming kasaysayan. Iligtas Mo po kami, mula sa lagim ng digmaan. Dingin Mo ang aming pagsusumamo. Kahabagan Mo po kami, Panginoon; ipagsanggalang kami sa pwersa ng kasamaang nag-uudyok sa mga pinuno ng mundo. Naniniwala kami na “hindi kami nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid” (Efeso 6:12). Ipinapanalangin namin ang mga pinuno na pinagkatiwalaang gumawa ng mga pagpapasya para sa aming bansa. Buong puso naming ipinagkakatiwala sa Iyo ang aming kınabukasan at humihingi kami ng kapatawaran at habag sa mga panahon na dahil sa aming mga takot at hinala ay nadungisan ang aming mga pananaw at nagdulot ng maling pagkiling at poot laban sa ibang katutubo at lahi.

Taimtim kaming nagsusumamo na “gawin mo kaming mga daan ng iyong kapayapaan. Kung saan may pagkapoot ay magdala kami ng pagmamahal. Kung saan may pinsala, kapatawaran. Kung saan may pagdududa, pananampalataya. Kung saan wala ng inaasahan, pag-asa. Kung saan may kadiliman, liwanag. Kung saan may kalungkutan, kagalakan.”

Ito’y aming hiling sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na Iyong Anak, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, kaisa ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang-hanggan. Amen.

Maria, aming Mahal na Ina at Reyna ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Francisco ng Asisi, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
(Diocesan patron), ipanalangin mo kami.

DONATE TO CBCP NEWS

CBCPNews is a church-based news agency operated by the Media Office of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.  This apostolate aims at helping the work of the new evangelization through the news media.  This is non-commercial and non-profit.  That being the case, it totally depends on generosity of its readers and supporters.

Should you wish to donate kindly press the donate button.  Thank you.