Select Page

Sampung tanong kaugnay sa pulitikal na pakikilahok ng mga pari at relihiyoso

Sampung tanong kaugnay sa pulitikal na pakikilahok ng mga pari at relihiyoso

By Daniel Franklin Pilario, C.M.

April 6, 2022

1. Nararapat bang makilahok ang Simbahan sa pulitika?

Matagal at paulit-ukit na natin itong naririnig: ang Simbahan ay hindi dapat nakikialam sa pulitika dahil ito ay labag sa “paghihiwalay ng Simbahan at Pamahalaan”. Bigyang-linaw nga natin ito. Walang ganoong pagbabawal sa Simbahan. Ang totoo, ito ay atas ng Konstitusyon para sa pamahalaan, hindi para sa Simbahan. Una, sinasabi nitong ang pamahalaan ay hindi pwedeng gumawa ng batas na nagtatatag ng relihiyon (Art 3, Sec 5). Ikalawa, hindi maaaring magkaroon ng batas na nagbabawal sa malayang pagsasagawa ng mga bagay kaugnay ng relihiyon (Art 3, Sec 5). Ito ang tinatawag na “non-establishment clause” at ang “free exercise clause“. Ibig sabihin, tanging ang pamahalaan ang maaaring lumabag dito, hindi ang Simbahan o ang anumang taong kaugnay ng Simbahan. Noong ang Simbahan ay binatikos ni Duterte sa umano’y paglabag sa paghihiwalay ng Simbahan at Estado, akmang sabihin na “they are barking at the wrong tree“.

Sa kabaligtaran nga, gampanin ng mga mamamayan—ang mga simbahan at at kanilang mga miyembro—na punahin ang mga nasa awtoridad kapag pumapabor sila nang higit sa isang religious group o kaya’y binabawalan ang ibang relihiyon sa kanilang malayang pagpapahayag ng pananampalataya.

Sa Fratelli Tutti, sabi ni Papa Francisco: Ang pulitika ay “isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamahal, lalo’t kung naghahangad ito ng kapakanan ng lahat.” (FT 180). “Ang mabuting Katoliko ay nakikisangkot sa pulitika upang silang mamamahala ay makapamuno nang mahusay.” Hindi ito bago, sapagkat ito’y hango din sa mga nauna pang Santo Papa tulad nina Pius XI at Benedict XVI bilang pahiwatig tungkol sa “political charity”.

Ngunit dahil sa malakas na impluwensya sa dalawang pananaw ng Kristiyanong paniniwala patungkol sa pulitika, napansin ko ang iba’t-ibang uri ng Kristiyano sa ating panahon: (a) apolitical Christians – yung mga naniniwala na ang tahanan nila ay ang “langit” at kung ano ang magaganap sa “mundo” ay maliit o walang halaga; (b) neutral Christians – yung mga sumusunod sa minimum na tungkulin tulad ng eleksyon pero itinuturing ito na ‘private affair’; kung ito ay may kaugnayan sa injustice, sila ay neutral. (c) non-neutral but non-partisan – yung mga pumupuna sa paglabag sa karapatang-pantao bilang pagsalungat sa maka-Kristiyanong pagpapahalaga subalit hindi nagbabanggit ng mga pangalan o nag-eendorso ng kandidato; (d) non-neutral and partisan – yung nakikilahok sa mga panlipunan at pulitikal na isyu at kalahok sa partisan politics.

Base sa nakararami sa mga turo ng Simbahan, ang ikatlong uri (non-neutral but non-partisan) ang para sa mga religious at kaparian. Ang ikaapat na uri (non-neutral and partisan) ang dapat an responsibilidad ng mga layko.

2. Ang “religious mission” ba ng Simbahan ay nagbabawal sa mga pari na makilahok sa pulitika?

Ang mga dokumento ng Vatican II at Canon Law ang ginamit ng mga manunulat upang patunayan na ang kaparian ay hindi maaaring lumahok sa usaping pulitikal sapagkat ang angkop na misyon ng Simbahan ay “pang-relihiyoso”. Ayon sa mga nasusulat sa ibaba at sa iba pang dokumentong pang-Simbahan, ang konklusyon ay ang mga Obispo at mga pari ay hindi maaaring makilahok sa partisan politics. Ang gawing ito ay maaaring paglampas na kanyang layunin, tulad ng sabi ng isang manunulat.

• Si Kristo ay hindi nagbigay sa Simbahan ng tuwirang misyon sa pulitikal, ekonomik, o panlipunang gawain. Ang layunin na iniatas Niya sa Simbahan ay “religious”.
• Ang Simbahan, sa kanyang gampanin at kakayahan, ay hindi maaaring iugnay sa kahit anong paraan sa pamayanang pulitikal o kaya ay sa isang sistemang pulitikal. Siya ay palagiang tanda at tagapangalaga ng sumasaibayong karakter ng isang tao.

Tuklasin natin ang ibig ipakahulugan nito sa konteksto ng Vatican II:

Una, ang “Simbahan”” ay hindi katumbas ng mga Obispo at ng mga pari. Gamit ang parehong mga dokumento, ang Simbahan ay ang “buong sambayanan ng Diyos” – layko, mga relihiyoso at relihiyosa, at mga pari. Kaya’t kung ilarawan ang misyon ng Simbahan bilang “religious” ay magiging patungkol ito sa Simbahan bilang isang buong katawan, bilang isang buong institusyon. Upang limitahan ito para sa mga pari lamang ay maituturing na “clericalism“.

Ikalawa, kapag binasa nating lubos ang Gaudium et Spes (GS), ang kanyang layunin ay upang tukuyin ang ginagampanan ng Simbahan sa “modernong panahon”. Upang ihiwalay ang Simbahan sa mundo ng pulitika at ekonomiks ay labag sa layunin ng Vatican II. Sa totoo, pagkatapos ng pagtukoy sa gampanin ng Simbahan bilang isang “religious”, isang mahalagang pahayag ang sumunod dito: “Subalit mula sa misyong pang-relihiyon niya mismo ay uusbong ang isang gampanin” sa panlipunan, ekonomik, at pulitikal na mundo. Ang sumusunod na kabanata ay tumutukoy sa mga maka-Kristianong gawain nito sa mundo – paglinang sa kultura (Ch 2); buhay ekonomik (Ch 3); pulitika (Ch 4); pagsusulong ng kapayapaan (Ch 5). Ito ay nilalaman ng Gaudium et Spes.

Upang isulong pa na ang Simbahan ay hindi dapat makihalubilo sa secular na usapin dahil ang misyon niya ay “religious” lamang ay hindi naman ipinapahiwatig ng Vatican II. GS 43- iyong susunod na pahayag sa nabanggit na sa itaas na madalas gawing batayan ay may mahalagang paalala: “The split between the faith which many profess and their daily lives [in the cultural, economic and political worlds] deserves to be counted among the more serious errors of our age” (GS 43)

Ang dualismo na ito ay hindi nakakatulong. Sa kabilang banda, sinusuportahan pa nito ang balikong espiritwalidad na mababakas sa marami ngayon—sa parehong layko ay pari. Sa kabilang banda, ito ngayon ay siyang ginagamit ng mga kumakapit sa kapangyarihan upang limitahan ang pagsalungat at humingi ng accountability sa pamamagitan ng pagtukoy dito sa usapin ng “separation of the Church and State”.

3. Ano ang ginagampanan at kakayahan ng Simbahan sa pulitika?

GS 76 (and Canon 2245 which merely quotes it) is quite clear on the role of the Church in the field of politics. In a pluralistic society like ours, the Church should know its own “competence”. It is “not identified in any way with the political community nor bound to any political system” because it is “at once a sign and a safeguard of the transcendent character of the human person”.

Ang GS 76 (at ang Canon 2245 na sumipi lamang dito) ay binigyang-linaw ang ginagampanan ng Simbahan sa larangan ng pulitika. Sa isang pluralistic society, dapat na batid ng Simabhan ang kaniyang kakayahan. Ito ay hindi sa dapat kaugnay sa kahit anong pamamaraan sa isang political community o kaya ay nakatali sa anumang political system, dahil ito ay “isang tanda at tagapangalaga ng transcendent na karakter ng isang tao.”

Marapat na iginagalang nito ang pagsasarili at kalayaan ng larangan ng pulitika. Subalit kasunod nito, ang Simbahan ay dapat na “pagyamanin ang pagkakaugnay sa pagitan ng kanilang sarili na ipinapalagay ayon sa panahon at ispasyo”, para sa mas epektibong paglilingkod sa mga mamamayan. “Ang Simbahan ay dapat na magkaroon ng kalayaan upang ipahayag ang pananampalataya, upang ituro ang kanyang social doctrine, upang isakatuparan ang kanyang malayang gampanin sa lahat, at mag-alok ng kanyang moral na paninindigan sa mga usaping may kinalaman sa kaayusan, lalo kung may kinalaman sa karapatan ng mga tao o kaya ay sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa.

Kung ang Gospel values ay nakataya, kapag ang mga tao ay pinapatay ng Estado, kung ang dignidad ng mga mamamayan ay nilalabag, kapag ang mga mandarambong ay nakakalaya at nakakakandidato sa eleksyon gamit ang salapi na ninakaw sa bayan, at kung ang kasaysayan ay pinapalitan upang itanggi ang mga kalapastanganan, dapat na magsalita ang Simbahan. Muli, dapat nating tandaan: ito ay buong Simbahan na parehong institusyon at indibidwal—bilang layko, relihiyoso at kaparian. Sa ganitong paraan, hindi tayo lumalampas sa naitakdang alituntunin; ating pinaninindigan ang nararapat. Sinusundan natin si Hesus. Ginanampanan natin ang ating pagiging Kristiyano.

Minsan, itong nasambit ni Pope Benedict XVI sa kanyang Liham sa mga Katoliko ng China (2007) ay ginagamit ng ibang manunulat upang patunayan ang parehong punto: “Likewise, therefore, the Catholic Church which is in China does not have a mission to change the structure or administration of the State; rather her mission is to proclaim Christ to men and women, as the Savior of the world, basing herself in carrying out her proper apostolate on the power of God” (No.4). Ang konteksto nito ay GS 76 kung saan naging batayan din ni Pope Benedict XVI. Isa pang sipi mula kay Pope Benedict XVI sa “Deus Caritas Est” sa parehong konteksto: “The Church must not replace the State.” Ang konteksto ng dalawang ito ay tulad ng GS 76 na naipaliwanag na sa itaas.

Ang “Doctrinal Note on Some Questions Regarding the Participation of Catholics in Political Life” buhat sa Congregation of the Doctrine of Faith (CDF) noong November 24, 2002 na siya ring ginagamit ng ilang manunulat upang ipagpilitan ang paghihiwalay ng Simbahan at pulitika ay dapat na unawain sa parehong pagtingin: “It is not the Church’s task to set forth specific political solutions—and even less to propose a single solution as the acceptable one—to temporal questions that God has left to the free and responsible judgment of each person.”

Kapag ang Simbahan bilang isang katawan, tulad ng CBCP ay namagitan sa buhay-pulitikal ng bansa, hindi ito panghihimasok gamit ang pampulitikang solusyon. Ito ay nagsasalita sa perspektibo ng kanyang kakayahan mula sa perspektibo ng kabutihan at mensahe ng Ebanghelyo. Saad din ng parehong dokumento: ito ay “karapatan ng Simbahan at tungkulin na magbigay ng moral judgment sa mga usapin kung ito ay ukol sa pananampalataya o kanyang tungkuling-moral.”

Kahit ang mga kaparian ay nararapat na magbigay ng moral na paghusga sa mga bagay na may kinalaman sa pulitika at ang mga layko ay nakikilahok sa “active and direct partisan politics”, sa totoong buhay, sabi ng PCP II, ito ay hindi striktong tahasan at absolut. Sa kabilang banda, ang mga layko, hinid lamang ang mga pari ay nararapat na kumilatis at magturo ng moralidad sa ating sitwasyong pulitikal. Sa kabilang banda, lahat ng Kristiyano at ang buong Simbahan—mga pari, relihiyosong babae man o lalaki, at mga layko—ay nararapat na makilahok sa larangan ng pulitika kapag ang mga Gospel values ay nakataya: “The requirements of the Gospel in regard to human dignity, justice, charity, the common good, cannot be sacrificed on the flimsy pretext that ‘the Church does not engage in politics’. Maliwanag na ang ibig sabihin nito ay ang kaparian at layko ay dapat na kalahok sa pulitika kung ang moralidad at turo ng Ebanghelyo ang nakataya. (PCP II, 343-344).

Ang Vatican II at ang iba pang katuruan ay hindi dapat na gamitin upang isulong ang dualistic na pananaw ng Simbahan at pulitika. Ipinakita natin na sa kabila ng paggalang sa kakayahan at otonomiya ng bawat isa (simbahan at pulitika), ang dalawang ito ay malayong maging hiwalay. Sa kabaligtaran pa nga, ang mga katuruan ay nag-uutos patungo sa buong Simbahan at ang kanyang tungkuling partisan para sa katotohanan, dignidad at katarungan.

Ang baluktot na paggamit ng mga ito upang patunayan ang posisyon ay tinatawag na “proof texting” kung saan ang makalumang panuntunang teolohiya ay kabilang. Batid din natinng ito ay walang mainam na magdudulot sa Simbahan sa ating panahon.

Ang parehong mga pangaral ay hindi maaaring ipangatwiran upang labanan ang “political partisanship” ng mga kaparian. Maling ipakahulugan lamang ito para sa mga pari sapagkat mag-aanyo itong klerikalismo. Ang mga nasulat ay patungkol sa Simbahan bilang kabuuan.

Marahil ay kailangan nating maghanap ng iba pang mga basehan kung nais nating magusapang ang “partisan political participation” ng kaparian.

4. Ang mga pari ba ay hindi pinahihintulutang tumakbong kandidato?

Ang ilang pahayag ng mga Santo Papa ay tumutukoy din sa pagbabawal na ito. Ang sumusunod ay pahayag ni Papa Juan Pablo II sa mga kaparian at religious ng Mexico noong Enero 1979: “You are priests and members of religious orders. You are not social directors, political leaders, or functionaries of a temporal power.”

Marami sa mga pari noong panahong iyon ay tumatakbo sa eleksyon o kaya’y itinatalaga sa posisyon sa maraming lugar sa Latin America, tulad nina Ernesto at Fernando Cardenal, at iba pang lugar. Ito ang tinutukoy ng pahayag na ito ng Santo Papa upang hindi lumahok sa eleksyon o kaya ay maitalaga sa executive branch ang mga pari. Ang paggamito dito upang ipahayag ang pagsalungat sa pag-endorso ng mga pari at relihiyoso ng mga kandidato at maling pag-ugnay nito sa konteksto.

Ang Canon Law 285, §3 ay binigyang-linay na ito: “Clerics are forbidden to assume public offices which entail a participation in the exercise of civil power.” Ibig sabihin, ang pagkandidato sa pampublikong posisyon ay hindi naaayon at nararapat sa kaparian. Dapat din nating tukuyin na ang Konstitusyon ay hindi naman nagbabawal sa pari na tumakbo sa pampublikong posisyon. Ito ay pagbabawal ayon sa batas ng Simbahan, hindi sa batas ng bansa. At kung nais ng pari na tumakbo sa isang posisyon, maliwanag na kailangan niyang bitiwan ang tungkuling pagiging pari.

Ito ang ipinapakahulugan ng pahayag ng CBCP na: “We have no ambition of appropriating for ourselves your distinct role as laity in the just ordering of society, nor do we intend to usurp the role of the government. We are here to provide moral and spiritual guidance, in accord with our mission of proclaiming the truth from our faith.” (CBCP, The Truth shall Set You Free, 2022).

5. Maaari bang mag-endorso ang pari ng mga kandidato?

Nasagot ko na ang mga ito nang detalye sa iba pang gawa. Ang ilang ideya dito ay mula sa artikulong iyon:

Ang probisyon ng Canon Law 287, par 1: “Most especially, clerics are always to foster the peace and harmony based on justice which are to be observed among people; §2: They are not to have an active part in political parties and in governing labor unions unless, in the judgment of competent ecclesiastical authority, the protection of the rights of the Church or the promotion of the common good requires it.

Una, ang kasalukuyang tanong ay patungkol lamang sa pag-endorso ng mga kaparian, hindi ang pagiging kabilang sa isang partidong pulitikal. Kahit ang Canon 287 §2 ay nagbibigay permiso sa mga pari na makilahok sa partidong pulitikal kung ang mga kadahilanang inilahad sa Canon Law ay kanyang matupad.

Ikalawa, sabihin na natin na ang pari ang siyang sentro ng pagkakaisa ng komunidad, ang kapayapaang iyon ay totoo lamang kung ito ay ayon sa katarungan. Kapag ang katarungan at dignidad ay lubusang nalabag, ang kapayapaan at pagkakaisa na pinagsusumikapang mapanatili ng pari ay isang pagkukunwari at isang paglilihim na karahasan laban sa mga biktima.

Kapag libo-libo na ang napatay, pinahirapan o ikinulong noong panahon ng Martial Law o kaya’y sa War on Drugs na ipinagpapatuloy ng mga nasa pamahalaan; kapag ang pandarambong at korapsyon ay lantaran nang nakaka-apekto sa buhay ng marami, noong Martial Law at maging nitong panahon ng pandemya, o kaya ay kung ang kasaysayan ay pinapalitan ng paulit-ulit na kasinungalingan upang pawiin sa alaala ng mga tao ang mga kalupitan, na siyang tinututulan ng CBCP, tayo ay hinihimok na manindigan laban sa mga kasamaang ito bilang mga makabagong propeta ng ating panahon.

Ikatlo, ang probisyong ito ay may angking exception: “MALIBAN kung sa hatol ng may kakayahang magpasya sa ngalan ng Simbahan, ang pangangalaga sa karapatan ng Simbahan o ang pagsusulong ng kapakanan ng lahat ay kinakailangan ito.”

Hindi ang “kakayahan ng Simbahan ang nanganganib”, sabi ng isang manunulat. Naninindigan ang Simbahan hinid upang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit upang ipagtanggol ang sambayanan ng Diyos na siyang apektado. Ang maka-Diyos na mga pagpapahalaga tulad ng dangal ng tao, katarungan, katotohanan o kapakanan ng lahat ang siyang nakataya at ang “transcendent nature of the human person” ang siyang nalalabag—na siyang kailangang ipagtanggol ng Simbahan mula sa pulitika, tulad ng paanyaya ng Vatican II (GS 72). Hindi ko alam kung sino sa mga miyembro ng kaparian o ng mga religious na nasa tamang kaisipan ang maaaring itanggi ang mga kalupitang nangyari o nangyayari.

Ikaapat, sino ang may “kakayahang magpasya” o “competent authority” na maaring magtibay ng magbigay-hatol? Ang mga Obispo ng bawat diyosesis at/o ang Superior ng bawat religious congregation. Kaya nga ang bawat desisyon ay dapat resulta ng pangkalahatang discernment process sa diyosesis o religious community, na matapat na hinarap ang kanilang sarili ng mga konkretong sitwasyon at mga pagpapahalaga ng Gospel. Bigyang diin natin na tayo ay nasa napakamahalaga at abnormal na kalagayan ngayon. Ang ating mga Obispo ay humaharap sa “lantaran at patagong pagbaluktot, pagmamanipula, pagtatakip at pag-abuso sa katotohanan”, ang mga “pag-abuso sa karapatang pantao, mga biktima, ang korapsyon, ang malalang pangungutang at pagbulusok ng ekonomiya ng bansa dahil sa diktadurya”, na dokumentado. Sabi nila, “Ito ay lubhang seryoso!” Ang awtoridad na may “kakayahang magpasya” at ang kaparian ay dapat na gawing batayan ang mga ito sa kanilang pagkilatis at pagdedesisyon.

Ikalima, ang pamantayan ng Gospel at ng Catholic Social Teaching ay dapat na minaw na basehan ng discernment process. Ang pamantayan ay dapat na malinaw, ang ilan sa mga ito ay nabanggit na kanina. Ang mga mamamayan ay dapat na ibatay ang pagbasa sa sitwasyon at ang discernment process ay dapat na sama-samang tahakin nang may kabukasan at katapatan.

Matapos ito, ang ilan ay maaaring piliing maging non-partisan at ilaan ang kanilang sarili upang tulungan ang kanilang mga parokyano na pumili nang maayos ayon sa pamantayan ng Gospel. O kaya, pwede rin nilang pangunahan ang PPCRV sa kanilang mga parokya upang matiyak ang wastong pagbilang ng mga boto. Ito ang piniling gawin ng maraming religious noong 1986 Snap Elections. Sa totoo, marami sa mga pari at religious ang nagtaya ng kanilang buhay upang mapangalagaan ang mga balota.

Subalit ang iba ay maaari ring mag-desisyon na hayagan sa pagendorso at sa pangangampanya. Tulad ng sabi natin, ito ay binigyang pansin na ng Canon Law. Maaaring magkaroon ng maraming pagpipilian depende sa resulta ng maayos na discernment process. At ang mga ito ay dapat igalang.

Ang hindi maka-Kristiyanong opsyon ay ang pagiging “neutral” sa harap ng walang habas na kawalang hustisya, paulit-ulit na pagsisinungaling, at lantarang paglabag sa karapatang pantao. Ang pagtahimik ay pakikisabwat.

6. Paano naman ang mga indibidwal na miyembro ng kaparian na nagpasyang ihayag ang kanilang pag-endorso sa mga kanididato?

Ang desisyon ng mga kaparian at relihiyoso ay dapat ding igalang. Sa totoo, ito ay nakahayag din sa Canon Law. Bilang isang katawan, ang CBCP, ang mga Obispo ay nagdesisyon na manatili sa kanilang tungkulin bilang “tagahubog ng konsensya” ng mga mananampalataya. Subalit kung ang ibang pari ay magdesisyong mag-endorso, ang paliwanang ni Obispo Pablo David, Pangulo ng CBCP, sa isang press conference upang ipaliwanag ang pagayag na ito: “Kung humantong sa ganyan ang ibang kaparian, ibig sabihin they have reached the decision in conscience and that is to be respected.

Ang pag-eendorso ay maaaring magkanoon ng dalawang uri. Una, maaaring sabihin na: Hindi ko iniindorso ang kandidatong ito dahil ang kanyang track record ay taliwas sa Gospel values, dangal ng tao, at katarungan. Ikalawa, maaari ring sabihin: Iniindorso ko ang kandidatong ito dahil ang kanyang track record ay kumakatawan sa pagpapahalagang Kristiyano. Ang isang diyosesis o religious community ay maaari ring magkaroon ng pangkalahatang pag-eendorso ng kanilang pangkat matapos ang masusing panalangin at pagkilatis.

7. Maaari bang gamitin ang pulpit para sa pulitikal na pangangampanya?

Balikan natin ang sinabi ni Bishop Pablo David sa parehong press conference: “Ang pulpito ay para lamang sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Pero siempre kapag pinahayag mo ang Mabuting Balita, may implications siya tungkol sa political life. We cannot separate faith from our political life. Pero huwag gagamitin ang pulpit sa pangangampanya. This has a point. Kasi marami namang venues for expressing one’s political opinion. But in the pulpit, ang nangunguna ay ang Salita ng Diyos at ano ang implications ng paninindigang ito tungkol sa katotohanan, katarungan at kapayapaan.

8. Ito ba ay nagbabawal din sa mga miyembro ng religious communities tulad ng mga sisters at religious brothers ng mga kongregasyon?

Isinama natin ang mga religious kahit ang Canon 287 kung saan ang paksa ay laan lamang sa mga “clergy”. Ngayon, pareho ang tanong ng mga religious. Sa puntong ito, pareho ang paanyaya sa pakikilahok sa partisan politics. Ayon sa Canon 272, ang mga religious ay dapat sundin ang nakasaad sa Canons (No. 277, 285, 286,  287, and 289).

9. Nalalabag ba ng mga pari at religious ang kalayaan ng mga tao na pumili ng kanilang nais na pinuno? Ang pag-endorso ba ng kandidato ay maituturing na “clericalism”?

Ano ba ang nagagawa ng pag-endorso? Ito ay pagbabahagi sa mga mamamayan ng resulta ng kanilang political discernment. Ibig sabihin ay pinagnilayan nila ito nang mabuti at ito ang naging bunga. Hindi ito upang angkinin nila bilang mga pari ang karapatan ng mga tao na magdesisyon para sa kanilang sarili. Hindi rin ito upang ipilit ang kanilang paninindigan. Marami sa mga pahayag na ito ay nagwawakas sa isang paanyaya sa mga mananampalataya na magnilay at magsiyasat din. Sa huli, nasa indibidwal pa ring Kristiyano at sa kanyang malayang pagpili ang dapat igalang.

Kaugnay sa kabutihang pastoral pa rin ng mga pastol ang gabayan ang kanilang mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang halimbawa. Sa Simbahan, mayroong tinatawag na “formation of conscience”. Sa pagbabahagi ng bunga ng kanilang proseso ng pagninilay, ang mga pari at relihiyoso ay tinutulungan ang mga mananampalataya na konkretong halimbawa ng pagninilay—ang bagay na may kinalaman kung paano, bakit at ano kaugnay nito. Sa pamamaraang ito, ipinapakita nila na ang Gospel values ay hindi hiwalay sa tunay na nangyayari sa lipunan; na ang bawat Kristiyano ay hindi dapat nananatili sa libel ng abstrak na mga prisipyo. Ang “clericalism” ay nagaganap kung ang pari at religious ay itinitiwalag ang kanilang sarili sa mga tao; kapag sinasabi nila na “ito ang mga batayan; gamitin ninyo ngayon sa inyong buhay”. “Pero paano naman sa iyo, Father?” “Bahala ka. Non-partisan ako!” Kapag napakahalaga ang isyu sa ngayon, ang mga personal na desisyon ay dapat na mayroong epekto sa ating personal na desisyon at mga pagpiling pulitikal, kahit sa mga pari at religious.

10. Paano kung ang mga inindorso ay hindi tinupad ang kanilang programa kapag sila ay naihalal?

Sa kabila ng lahat, alam nating walang absolut na programang pulitikal. Ang mga ito ay mga pamamaraan lamang at hindi lamang iyon ang pamamaraan. Sa teolohiya, ang tawag ditto ay “eschatological proviso” – isang probisyon na naglalagay ng limitasyon sa pagsuri sa larangan ng pulitika. Anumang socio-political na pakikilahok ay palaging hindi sasapat sa mabubuting pagpapahalagang ayon sa Kaharian ng Diyos; kaya’t nangangailangan ito ng patuloy na pag-evaluate.

Sa kabilang banda, ang lubusan at absolut na paggamit ng “eschatological proviso” o permanent “allergy” ng political parties at ideologies sa Simbahan ay pinapasubalian ang ating tunay na pulitikal na pakikibaka ng nararapat na pananaw na panlipunan at praktikal na pamamaraan na nagiging daan upang magbigay sa mga tao ng konkeretong pamamaraan patungo sa pag-unlad ng tao at kanyang kalinangan.“Patay ang pananampalatayang walang ideyolohiya” ayon sa panulat ng isang Latin American theologian na si Juan Luis Segundo. Ang manatili sa libel na abstrak na pagpapahalaga ay parang pagkitid ng Kristiyanong pananaw na walang kakayahang maisabuhay sa ating panahon. Higit sa prinsipyo, ang mga mahusay at napag-sispang pananaw at programa ng mga partidong pulitikal ang maaring magsabuhay ng kristiyanong pananaw sa mundo.

Paanyaya sa mga pari at religious na huwag tumigil sa patuloy na pagpuna at pagpapaalala para sa pananagutan ng mga nahalal na kandidato at mga adyendang pulitikal sa kanilang mga inendorso. Ang buong Simbahan—layko, kaparian, at religious– ay marapat na ilahok nang kritikal ang pamahalaan at ang mga programa nito sa mga pagpapalhalaga kayugnay ng Ebanghelyo. Hindi sila dapat natatakot upang ma punahin ang kanilang dati anang na-endorsong pulitiko at partido, at hingin sa kanila na maging panagutan ito sa mga tao.

Hindi tayo “fans club” kundi mga “mamamayan”. Hindi tayo mga panatiko, subalit mga propeta.

Ang mga propeta ay humirang sa mga hari subalit sila rin ang tumuligsa sa kanilang mga pang-aabuso. Si Nathan laban kay David; si Elias laban kay Ahab; si Isaias laban kay Hesekias. Sa ganitong pamamaraan, tayo ay tinatawagang maging propeta na patuloy na nagsasalita sa panig ng katotohanan laban sa kapangyarihan kahit sinuman ang nasa posisyon.

Para sa atin, walang political agenda ang absolute. Tanging Kaharian ng Diyos. Tayo ay mga tagapaglingkod, hindi mga tagapagtayo; katiwala, hindi tagapagligtas. Kami ay mga propeta ng hinaharap na hindi napapasa-atin.

PAHABOL

Pagkabasa sa mga posisyon at opinyong sa media, FB, social networks, blogs at kahit na mga pakikipag-usap sa aking mga kaibigan, mayroon akong isang obserbasyon:

Silang mga nakikipangatwiran sa non-partisanship ngayon—ang ilan ay pari at religious—ay lantarang nag-endorso ng kanilang mga kandidato noong nakaraan o patuloy na ginagawa ito sa kasalukuyan.

Hindi ko alam kung ang mga bagong argumentong ito hinggil sa usapin ay pagpapahayag ng pagsisisi o kaya ay sadyang kakulangan lamang ng pagninilay ng sarili.

___________________________________
Fr. Daniel Franklin Pilario, CM, is a theologian, professor, and pastor of an urban poor community in the outskirts of the Philippine capital. He is also the Vincentian Chair for Social Justice at St. John’s University in New York.

DONATE TO CBCP NEWS

CBCPNews is a church-based news agency operated by the Media Office of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.  This apostolate aims at helping the work of the new evangelization through the news media.  This is non-commercial and non-profit.  That being the case, it totally depends on generosity of its readers and supporters.

Should you wish to donate kindly press the donate button.  Thank you.